Di na ikaila pa na sa makamodernong panahon ay mas nahuhumaling pa ang karamihan sa paggamit ng mga wikang banyaga sa halip ay ang sarili nating wika. Sa pag post nanga lang sa social media, aba'y akalain mo engliserra ka pala?
Ika panga nila, “Bakit naman ako magtatagalog ay alam na naman ng lahat ang iyon? Pwede nama'y Ingles, mas maligalig pa nga gay-on.”
Bakit? Bakit mas pinili pa ng karamihan ang wika ng mga banyaga? Na tayo nama'y merong wikang ipinaglaban ng siyang namakatha. Mga bayaning lumisan para lang maitaguyod ang wika ng mahal na inang bayan. Saan? Nasaan na ang katarungan? Ang sagot ay nasa iyong pansarili lamang.
Sa kasalukuyang panahon ay nararapat lang na mas diinan pa ang pagtuturo ng wikang Filipino, sa mga kabataan, sa ating kultura ay ang importansiya nito. Nang sa pagyabong ay ipagmalaki rin nila at ipagbigay alam para sa mga susunod pang henerasyon ay maipapasa pa nila.
Ang nais lang nama'y huwag kalimutan bagkus ito'y palaganapin pa, ang paggamit ng wikang Filipino sa pakikipag sapalaran sa iba. Hindi lang sa bansa, kundi hanggang sa abot ng matatapakang lupa. (Jomarie Ong 2021)
Photo reference: https://ronnielynsblog.files.wordpress.com/2018/10/206316_425886420803019_1449968945_n_zpsc4ad0432129983634.jpg
Comments
Post a Comment